The Three Month Rule


Isa. Dalawa. Tatlo
Bumilang muna ako para hindi malito 
Bumilang ako para mapagtanto
Mga tanong na binabato
Sinisigaw ng puso kung ano ba talaga ito

Isa
Isang araw, isang gabi di inakalang di na mag-iisa
Kasama kita sa oras na ako ay balisa
Tinugunan mo lahat ng puna, at sayo ay umasa
Umasang mananatili, umaasang ipaglalaban
Kahit may mali, kahit mahirap ako ay lalaban

Dalawa
Oo, ako ay lalaban kahit kami ay dalawa
Nagmumukha man akong kawawa
Okay lang, basta ako ang uunawa
Ang mahalaga sa akin, di ka mawawala
Hihintayin ko ang hanggang tatlo, ika`y maniwala

Tatlo
Sana ganito kabilis ang muling magtagpo
Sana sa huli pareho natin mapagtanto
Dahil sa isip ko, sa puso ko sana`y hindi magbago
Hanggang tatlo ako ay babalik, sana`y sumalubong
Mga halik na yumayabong

Tapos na pero di pa nagsisimula
Sana ganun lang kadali ang tatlo
Kung pwede lang di na mawala
Pero mali kaya tama na muna to
Aasa ako at pipiliting maniwala
03-09-18 :(



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA PAG-IIMPLEMENTA NG K-12 KURIKULUM