WALA NA TAYO

Tama ang nabasa mo, wala na tayo
Tinapos ko na, tutal pagod na tayo
Oo, sumuko na ako, suko na ako
Hay, paano na ako?


Bakit ba kasi ang hirap
Ang hirap nating intindihin
Simpleng pagharap
Sa problema's laging dinidiin

Kaya sapat na siguro
Walang halong biro
Ayoko na, Tama na
Itigil na natin ito

Hindi pa ito ang wakas
Kundi panibagong simula
Na sana ay wagas
Pagod na ako, Tama na.Wala na tayo

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA PAG-IIMPLEMENTA NG K-12 KURIKULUM