Talumpati Tungkol sa Pagpapatawad

Ang sakit isipin na nagkaroon ka ng isang malaking kasalanan sa isang taong mahalaga sayo
Ang hirap isipin na ang taong mahalaga sayo ay unti unting mawawala dahil sa mga pagkakamaling hindi ka mapatwad
Ang hirap masaktan, mabigo at maloko, pero mahirap din ang makasakit, para sa mga taong seryoso
Kung ito ay hindi naman sinasadaya,  bakit hindi mo unawain na tao lang nagkakamali, bakit hindi mo intindhihin ang mga dahila na sadyang totoo lamang
Kung ito naman ay sinadya ngunit pinagsisihan, bakit hindi mo patawarin?, nagsisi na naman diba?, nagbago na, humingi na ng tawad
Kung ito naman ay hindi mo aakalain mangyayari, halimbawa bigla ka na lang nawalan ng nararamdaman, o di kaya bigla ka na lang hindi naging masaya at paulit0 ulit na sakit na lang ang nararamdaman, kaya ang mga pangakong panghabambuhya, pangakong mahal kita lahat ay napako sa salitang Patawad, hindi ko na alam, kung ganun ang sitwasyon, mapapatwad mo pa ba?
Patawarin mo, baka nga naman may pagkukulang ka din, o unawain mo, walang hindi madadaan sa mabuting usapan.
Pero eto ang tatandaan niyo,
Oo, mahirap ang magpatawad, pero mas mahirap ang hindi magpatawad
Hindi ka patutulugin, iisipi mo ng iisipin, para sinasaktan mo lamang ang sarili mo.
Isipin mo, intindihin mo, siyasatin mo, ayusin mo, tapusin mo, patawarin mo
Oo, hindi ganun kadali ang magpatawad
Kung minsan mahabanng mahabang paglalakbay pa ang tatahakin para mapatawad mo lang ang isang tao
Kung minsan napapatwad mo lang siya dahil sa nararanasan mo na ang malugar sa sitwasyon niya
Pero kung minsa sa sibrang sakit, halos isumpa mo na siya na mahulog sa ilalim ng  mundo at matabunan ng langit, pero bakit kahit ganito sa huli napapatwad pa din natin sila
Dahil may pagmamahal tayo, pagmamahal sa sarili, ang ating sarili na pagmumulan ng lahat, ang ating sarili na pinagmumulan ng sakit, pero sarili din ang kusang tatapos nito. Hindi siya, hindi dila kundi ikaw na hindi magawang magpatawad.
Gumising ka, mag-move on ka na, kasi siya, sa paghingi niya ng tawad gusto na niya mag-move on
Kaya sige na, wag mo na pahirapan pa ang sarili mo  na umiyak gabi -gabi at hindi na makamulat sa dami ng muta sayong mga mata
Ikaw kelan mo tatanggapin ang pagpapatwad  na hinihingi niya sayo?, kelan ka makaka-move on?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA PAG-IIMPLEMENTA NG K-12 KURIKULUM